Alegasyon ng umano’y kudeta sa Kamara, muling itinanggi ni Cong. Arroyo

Alegasyon ng umano’y kudeta sa Kamara, muling itinanggi ni Cong. Arroyo

MULING itinanggi ni Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga alegasyon ng kudeta.

Binatikos din nito ang napapabalitang naluko siya ng isang kongresista na nagsasabing suportado ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang planong pag-alis kay Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker.

Humingi naman ng paumanhin ang Dating Pangulo sa Unang Ginang dahil nakakaladkad ang kaniyang pangalan sa tinawag nitong ‘political fantasy of a house coup’.

Isa rin aniyang insulto ito sa katalinuhan ng First Lady.

Binigyang-diin pa ni Arroyo na hindi magtatagumpay ang kudeta sa Kamara kung walang basbas ang Pangulo.

Hiningi rin nito sa nagpapakalat ng maling impormasyon na dapat nang mag-move on at gumawa ng kontribusyon na makatutulong sa pag-unlad sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter