Alert Level  1 sa Israel, mananatili ayon sa DFA

Alert Level 1 sa Israel, mananatili ayon sa DFA

INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mananatili pa rin sa Alert Level 1 status ang bansang Israel.

Sa  harap ng pagtigil ng labanan sa Gaza Strip at nagpapatuloy ang tigil-putukan, nananatili pa rin sa  Alert Level 1 ang sitwasyon sa Israel.

Tiniyak ng DFA sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na patuloy na binabantayan ang sitwasyon doon at  nananatiling prayoridad ng gobyerno ng Pilipinas ang kaligtasan at seguridad ng bawat Pilipino sa ibayong dagat.

Sa kabila ng tigil-putukan, pinaaalahanan ng DFA ang mga Pilipino sa Gaza Strip at mga kalapit na lugar na manatili sa kanilang mga tirahan hangga’t maaari upang maiwasan ang mga pampublikong lugar.

Patuloy na susubaybayan ng ahensiya ang sitwasyon ng seguridad sa pamamagitan ng official communication channels ng Embahada ng Pilipinas doon.

Ayon sa DFA wala namang naiulat na Pilipinong nasaktan sa labanan sa Israel.

Sa kasalukuyan ayon sa DFA nasa 106 na mga Pilipino ang nasa Gaza.

Follow SMNI News on Twitter