Alert Level 3, itinaas sa krisis sa Sudan; 350 Pinoy, nailikas na

Alert Level 3, itinaas sa krisis sa Sudan; 350 Pinoy, nailikas na

IPINAHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 350 pang mga Pinoy ang nailikas na mula Sudan sa kalagitnaan ng nangyayaring kaguluhan doon habang itinaas naman ng pamahalaan ng Pilipinas sa Alert Level 3 status ang naturang bansa.

Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Eduardo de Vega, sa ngayon ay mayroong 7 bus na sakay ang nasa 350 na Filipino ang patungo sa border ng Egypt.

Bukod sa 350 na Pilipino, nauna na ring nailikas noong nakaraang araw ang 50 pa.

Samantala, sinabi rin ni Philippine Ambassador to Egypt na si Ezzedin Tago na nasa 23 Pinoy na rin ang nailikas ng kanilang mga employer sa border ng Egypt.

Follow SMNI NEWS in Twitter