Alex Eala, muling nakapagtala ng bagong career-high ranking sa WTA

Alex Eala, muling nakapagtala ng bagong career-high ranking sa WTA

TULUY-tuloy ang magandang performance na ipinapakita ng Filipina tennis teen star na si Alex Eala.

Ito ay matapos lumahok si Eala sa iba’t ibang torneyo mula noong Enero hanggang ngayong Pebrero ay nagawa nitong maitaas ang kaniyang ranking sa Women’s Tennis Association (WTA).

Mula sa no. 188, nakuha ni Eala ang panibagong career-high ranking na 180 para sa singles.

Habang naitala rin nito ang career-high ranking na 293 sa doubles mula sa 303 o mas mataas ng 10 puwesto.

Malaking tulong dito ang nakuha nitong championship title kasama si Darja Semenistaja ng Latvia sa doubles ng ITF W50 Pune Tournament sa India.

Samantala, nakatakda namang lumaban sa Miyerkules si Eala sa ITF Slovakia 01A kung saan makakaharap nito si Anna Bondar ng Hungary.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble