Alex Eala nagwagi sa unang laro sa Grass Season sa Ilkley Open

Alex Eala nagwagi sa unang laro sa Grass Season sa Ilkley Open

MATAPOS ang sunod-sunod na pagkatalo sa unang round ng mga nakaraang torneo, muling bumalik sa winning column si Alex Eala nang talunin niya si Fil-Aussie Lizette Cabrera sa Lexus Ilkley Open sa Great Britain nitong Martes ng gabi.

Tinalo ni Eala si Cabrera sa score na 7-6, 6-3 sa loob ng isang oras at 46 minuto. Si Cabrera, na kasalukuyang nasa World No. 206, ay unang umabante ng 3-1 sa unang set, ngunit nakabawi ang 20-anyos na Pinay at nauwi ang set sa tiebreak, kung saan siya ay namuno agad sa 3-0 at tuluyang tinapos ito sa 7-6.

Sa ikalawang set, bumitaw na si Eala mula sa 2-all, at lumamang ng 5-2, sa kabila ng pitong aces ni Cabrera.

Sa estadistika, nakalamang si Eala sa receiving points, 28 kumpara sa 20, at service points, 49 laban sa 44.

Sa kabila ng pagbaba niya sa World No. 77 ngayong linggo, si Eala ang top seed sa torneo. Makakaharap niya sa Round of 16 si Valentina Ryser ng Switzerland sa Huwebes. Wala pang nakatakdang oras para sa laban.

Bago ang panalong ito, natalo si Eala sa first round ng Italian Open, French Open, at Birmingham Classic.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble