Alex Eala, pasok na sa quarterfinals ng Manacor tournament

IPINAGPAPATULOY pa rin ni Alex Eala ang momentum nito matapos na matalo nito si Alba Carillo Marin ng bansang Spain sa ikalawang round ng W15 Manacor ITF Rafael Nadal Academy World Tennis Tour.

Ito na ang ika-7 sunod na panalo ni Eala sa kanyang professional debut habang sumasabak sa quarterfinals.

Tinalo niya ang No.2 seed ng bansang Sweden na si Mirjam Bjorklund sa iskor na 6-4, 3-6, 6-3.

Naunang nakuha ng 15 taong gulang ang kanyang unang professional title sa first leg ng Manacor tournament nang talunin nito si Yvonne Cavalle-Reimers ng bansang Spain.

Nais ni Eala na sundan ang kanyang titolo sa second leg ng Manacor competition na kasalukuyang idinadaos sa Rafael Nadal Academy.

SMNI NEWS