Alex Eala, pasok sa quarterfinals ng W25 El Espinar/ Segovia 2022 Tournament

Alex Eala, pasok sa quarterfinals ng W25 El Espinar/ Segovia 2022 Tournament

PASOK si Filipino tennis player Alex Eala sa quarterfinals ng W25 El Espinar/Segovia 2022 Tennis Tournament matapos nanalo ito laban kay Amy Zhu ng Estados Unidos sa round of 16.

Naipanalo ni Eala ang laro noong Miyerkules sa Spain laban kay Zhu sa iskor na 6-4, at 6-3.

Nauna nang nanalo ang Filipina noong Martes laban kay Maria Bondareko ng Russia sa kapareho ring iskor.

Sa quarterfinals ay makakalaban ni Eala si Rosa Vicens Mas ng Spain.

Samantala, kasalukuyang rank 282 sa Women’s Tennis Association (WTA) ang Filipina player.

Follow SMNI NEWS in Twitter