Alex Eala, posibleng umangat ang ranking sa WTA sa kabila ng maagang pagkalaglag sa Wimbledon

Alex Eala, posibleng umangat ang ranking sa WTA sa kabila ng maagang pagkalaglag sa Wimbledon

HINDI man pinalad sa unang round ng Wimbledon, inaasahang tataas pa rin sa bagong career-high ranking ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala.

Batay sa live rankings ng Women’s Tennis Association (WTA), posibleng umangat si Eala sa ika-54 na puwesto sa buong mundo — ang pinakamataas na ranggo niya sa kanyang propesyonal na karera.

Sa kasalukuyan, nasa ika-56 na puwesto si Eala matapos tumaas mula sa dating ranggong 74, bunsod ng kanyang makasaysayang pag-abot sa finals ng Eastbourne Open kamakailan.

Sa Wimbledon, bumagsak si Eala sa kamay ng reigning champion na si Barbora Krejcikova ng Czech Republic, sa tatlong set, 3-6, 6-2, 6-1, sa kanilang first-round match.

Gayunpaman, hindi pa tapos ang kampanya ni Eala sa prestihiyosong torneo, dahil sasabak pa siya sa doubles event kasama ang kanyang German partner na si Eva Lys.

Maaga man ang pagkalas niya sa singles draw, patuloy ang pag-angat ni Eala sa pandaigdigang entablado at umaasang magpapatuloy ang kanyang momentum sa mga susunod na torneo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble