Alice Guo, 5 iba pa, nahaharap sa panibagong kaso

Alice Guo, 5 iba pa, nahaharap sa panibagong kaso

NAHAHARAP sa panibagong kaso si Alice Guo at limang iba pa kasama na si Atty. Elmer Galicia.

Kaugnay ang kaso sa pamemeke ng isang notary public, paggamit ng pekeng dokumento, perjury, at obstruction of justice.

Ayon sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI)-Fraud and Financial Crimes Division, magkaiba ang Alice Guo na pumirma ng inihaing counter-affidavit ng kanilang kampo at ang sinuspindeng mayor ng Bamban, Tarlac.

Ang tinutukoy na counter-affidavit ay ang inihain noong Agosto 14 bilang tugon sa qualified human rights trafficking complaint laban kay Guo.

Anila, wala na si Mayor Alice sa Pilipinas nang isinumite ang counter-affidavit kung saan ng kanilang kampo sa Department of Justice.

Sa mas malaliman pang pagsusuri, magkaibang tao ang pumirma sa counter-affidavit kumpara sa sample signature mula sa ibang dokumento.

Samantala, si Atty. Elmer Galicia ay ang abogado na nagnotaryo sa affidavit ni Guo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble