Alice Guo, hindi parin dadalo sa Senate hearing ngayong linggo

Alice Guo, hindi parin dadalo sa Senate hearing ngayong linggo

HINDI parin dadalo sa magiging Senate hearing hinggil sa POGO operations ngayong July 10 si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon sa abogado ni Guo na si Stephen David, nakararanas parin ng trauma ang mayora kung kaya’t hindi makadadalo.

Para kay Sen. Sherwin Gatchalian, maaaring arestuhin si Mayor Alice kung bigo itong mag-attend sa hearing.

Sinabi naman ni David na maaaring sa pamamagitan ng video conferencing kausapin at silipin ng mga senador ang kalagayan ng mayora.

Sa ngayon ay wala sa Tarlac si Mayor Alice matapos sinabi ni David na may nakikita itong drones na mistulang nagmomonitor sa Bamban.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble