IPINA-CONTEMPT ng House Quad Committee nitong Huwebes, Setyembre 19, 2024 si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Kasunod ito sa kaniyang sinabi na wala umanong Pinoy na public official na tumulong sa kaniya para makaeskapo.
Iginiit ni Guo, isang dayuhan lang talaga aniya ang tumulong sa kaniya subalit hindi ito pinaniniwalaan ng mga kongresista na kasama sa House Quad Committee.
Sa pagkaka-contempt, mananatiling detained ang dating mayora sa Kamara hanggang maisumite ng panel ang kanilang report sa plenary na maaaring magtatagal hanggang huling bahagi ng 19th Congress sa 2025.