NAARESTO na sa Tangerang City, Indonesia si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nitong gabi ng Martes, Setyembre 3, 2024.
Kinumpirma ito ng Department of Justice (DOJ) Miyerkules, Setyembre 4.
Ipinangako ng DOJ na makikipagtulungan ito sa Indonesia para sa kinakailangang legal procedures upang mapauwi na sa Pilipinas ang dating mayora.
Si Guo ay iniuugnay sa mga ilegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) partikular na sa Bamban.