BUMISITA kay Mayor Joy Belmonte ang mga kinatawan ng Australian Political Exchange Council (APEC) – Philippine Center of Young Leaders (PCYL) kabilang si 3rd Dist. Councilor Chuckie Antonio.
Tinalakay ng alkalde ang good governance practices na pinaiiral ng pamahalaang lungsod at mga programa sa climate change mitigation, edukasyon, at livelihood.
Nakiisa sa pulong ang APEC-PCYL young leaders na sina Mr. Michael Pettersson MLA, Mr. James Griffin MP, Mr. Paul Mills, Ms. Elysse Halliday, Mr. Connor Costello, Mr. Norman Cualteros, at Ms. Liza Castaneda.