NAKA-lockdown simula kahapon ang Munisipyo ng Bocaue, Bulacan matapos magpositibo sa COVID-19 ang alkalde at isang konsehal ng bayan.
Kapwa positibo ang lumabas ang resulta ng swab test nina Mayor Jose Santiago at konsehal Aldrin Sta. Ana na parehong na-expose sa isang positibo sa COVID-19.
Ayon kay Mayor Santiago, agad siyang nagpa-swab test sa Mayor Joni Villanueva Molecular Laboratory matapos makasalamuha ang isang positibo sa kanilang ginawang pamamahagi ng tulong sa kanyang mga kababayan.
Nagpa-swab test na rin si konsehal Sta. Ana na lumabas na positibo rin sa virus.
Dahil dito, isinailalim sa lockdown ang buong munisipyo mula pa kahapon hanggang Linggo para bigyang daan ang disinfection sa nasabing gusali.