Alkalde ng Bacolod, kinuwestiyon ang DPWH sa ilang kuwestiyonableng road repair sa lungsod

Alkalde ng Bacolod, kinuwestiyon ang DPWH sa ilang kuwestiyonableng road repair sa lungsod

KINUWESTIYON ni Bacolod City Mayor Albee Benitez ang ilang road repair na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lungsod gayong aniya na ang mga ginagawang kalsada ay nasa maayos pa namang kondisyon.

Sinabi ni Benitez na ang drainage activities at paggawa sa kahabaan ng Araneta-Singcang St., Lopez Jaena, Riza, BS Aquino Drive, 13th Street, Lasalle Avenue, at Gatuslad ay nagsasanhi ng matinding trapiko.

Ngunit tugon naman ng DPWH-Bacolod, nagsasagawa ng repair sa mga kalsada upang masunod ang kanilang standards sa kapal nito kaya naman kahit na ayos pa ang mga ito ay kailangan na itong isailalim sa rehabilitasyon.

Samantala, sinabi rin ni Benitez na plano ng lungsod na tignan ang kontrata ng DPWH upang masiguro na naka-linya ang mga ginagawa nito sa kanilang timeline.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter