MAY-ALOK na tulong ang isang Alkalde sa North Cotabato sa mga New People’s Army (NPA) na susuko.
Panawagan ng Alkalde sa NPA na bumaba, sumuko at makiisa na sa pamayanan sa iba pang mga kumunistang guerilla na nasa bundok na ipinag lalaban ang walang kabuluhang idolohiya.
Ito ang inapela ni Mayor Francis Aris Uy ng Libungan, North Cotabato matapos ipresenta ang 29 na dating miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) nitong lingo kay 602nd Army Brigade commander Col. Jovencio Gonzales at 34th Infantry Battalion commander Lt. Col. Edgardo Vilchez Jr. sa ginanap na surrender ceremony sa municipal gymnasium.
“Come down and avail of the benefits to be provided by the government through the Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP),” ayon kay Mayor Francis Aris Uy.
Pinuri naman ni Gonzales at Vilchez ang mensahe ng Mayor sa mga NPA na pababain ang mga ito sa bundok na may mapayapang pag suko.
Para naman kay Romeo Segundo, isa sa mga sumukong rebelde, aminado ito na kaniyang napagtanto na nalinlang siya na sumali sa kilusan sa isang pangakong pagkakaroon ng magandang buhay.
Maliban kay Segundo, isa rin si Edwin Malag sa mga pinangakuang rebelde na magkaroon ng magandang buhay na hanggang ngayon ay wala parin nangyayari
“We will never allow them to fool us again, there were many promises that remained unfulfilled,”ayon kay Edwin Malag former NPA member.
Parehong pinasalamatan ni Segundo at Malag ang gobyerno sa pagbibigay ng bagong oportunidad na mamuhay ng normal kasabay sa pribilehiyong tulong na matatanggap sa gobyerno.
Pinuri rin ng mga military officials ang mga dating rebelde sa pagpili ng daan patungo sa kapayapaan kasama ang kanilang pamilya ngayong pasko.
Naniniwala naman si Uy na marami pang mga rebelde ang handang sumuko sa ating pamahalaan.