HINDI pa rin paawat sa Billboard rankings ang legendary Christmas song na “All I Want for Christmas is You” ni international pop superstar Mariah Carey.
Ito’y dahil nananatili itong nangunguna sa Billboard Hot 100 kahit pa patapos na ang taong 2023.
Sa datos ng Billboard na nakabatay rin sa Luminate, isang music and entertainment data provider, umabot na sa 48.4 million streams, 31.7 million radio airplay audience impressions at 7 thousand downloads ang naturang kanta mula noong Disyembre 15 hanggang 21.
Taong 1994 nang ini-release ang kanta ngunit bawat holiday season ay namamayagpag ito sa iba’t ibang music charts hanggang sa kasalukuyan.