All-out war laban sa rebelde at terorista, napapanahon na — NTF-ELCAC

NAPAPANAHON at matagal na dapat isinagawa ang all-out war laban sa mga rebelde.

Ayon kay National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC Spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade Jr. sa panayam ng SMNI News, matagal na aniyang inaalok ng pamahalaan ang pagkakaroon ng kapayapaan sa pagitan nila.

“It’s about time kasi matagal na nating in-offer ang kapayapaan, tapusin natin yung problemang ito sa matahimik na paraan pero hindi, eh. Ito, patuloy yung kanilang mga atrocities, violence,” pahayag ni Parlade.

Ayon kay Parlade, ang nangyaring ambush kamakailan lang sa Camarines Norte ay isang patunay na kinakailangan na ang all-out war laban sa mga rebelde o mga terorista.

“Ito na naman ngayon, may ambush na nangyari dito sa Labo (Camarines Norte). So, kita nyo? Wala silang masasabi na ito’y kagagawan ng mga aktibista na yung sinasabi nila dati ay napatay doon sa CALABARZO,” ayon kay Parlade.

Matatandaang noong Marso 19, limang police officers ang namatay at dalawa ang sugatan sa pinakabagong atake ng mga terorista sa Purok 6, Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte.

Ang mga pulis na na-ambush ay nagbabantay lang sa isinasagawang road construction sa lugar.

(BASAHIN: “Kill, Kill,Kill” order ni PRRD vs NPA, legal batay sa International Humanitarian Law —Roque)

SMNI NEWS