Alma Moreno, nanalong barangay kagawad; Angelika dela Cruz, Jenny Quizon, panalo muli bilang kapitan

Alma Moreno, nanalong barangay kagawad; Angelika dela Cruz, Jenny Quizon, panalo muli bilang kapitan

PANALO bilang barangay kagawad sa katatapos lang na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang aktres na si Alma Moreno.

Panalo naman bilang re-elected Brgy. Captain ng Brgy. Tambo sa Parañaque ang kaniyang daughter-in-law na si Jenny Quizon, ang asawa ni Vandolph.

Matatandaan na noong 2007 ay nanalong konsehal ng Parañaque si Alma at nare-elect noong 2010.

Pero nabigo naman itong makasali sa top 12 nang tumakbong senador noong 2014.

Samantala, landslide win naman ang re-elected na kapitana ng Brgy. Longos sa Malabon na si Angelika dela Cruz.

Ito na ang ikatlo at huling termino ng aktres bilang brgy. chairman sa kanilang lugar.

Follow SMNI NEWS on Twitter