PINASINAYAAN ang alternate Government Command and Control Center (GCCC) sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Ito ay sa pangunguna ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasama ang mga opisyal ng Office of Civil Defense (OCD), iba’t ibang ahensya ng gobyerno at uniformed services.
Ang alternate Government Command and Control Center ay ang backup hub ng emergency operations sakaling makompromiso ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Operations Center sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Gagamit din ito ng satellite communications na may real-time video, voice, at data transmission.
Itinayo ang pasilidad alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong taong 2017.
Bahagi rin ito ng malawakang paghahanda para sa mga sakuna lalo na ang magnitude 7.2 na lindol o “The Big One.”