Alternatibong enerhiya at murang singil sa kuryente, sentro ng pulong ni PBBM kasama ang DOE

Alternatibong enerhiya at murang singil sa kuryente, sentro ng pulong ni PBBM kasama ang DOE

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  sa top officials ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) sa Malakanyang nitong Miyerkules.

Sentro ng diskusyon ang mga kapamaraanan upang tugunan ang mga isyu sa hanay ng power sector.

Kabilang sa meeting agenda ang presentasyon ng DOE hinggil sa short, medium at long-term goals para sa 2023-2040 Power Outlook.

Kasama rin sa natalakay ang mga hakbang para maibsan ang epekto ng global inflation.

Ito ay upang makapagbibigay ng abot-kayang singil sa elektrisidad para sa mga konsyumer.

Napag usapan din ang patungkol sa exploration ng alternatibong malinis na energy sources.

Follow SMNI NEWS in Twitter