Alyas Pikoy at former PDEA agent Morales, na-cite in contempt

Alyas Pikoy at former PDEA agent Morales, na-cite in contempt

SA ikaapat na pagdinig ng Senate Panel hinggil sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) leaks ay sa Personal Data Sheet (PDS) nagtagal ang mga pagtatanong ni Sen. Jinggoy Estrada para sa dating PDEA agent na si Jonathan Morales.

Ayon kay Estrada, nagsinungaling si Morales sa kaniyang PDS nang sabihin nito na hindi siya na-dismiss sa PNP.

“Na-admit ka sa PNP ng 1993 na-dismiss ka ng 1994, from the service pero dito maliwanag naman na ang isinulat mo, no, have not been separated from, sinulat mo, no. Sino paniniwalaan namin?” giit ni Sen. Jinggoy Estrada.

Pero ayon kay Morales, kulang ang binigay na dokumento ng PDEA sa senador.

Ayon sa dating PDEA agent, hindi niya itinanggi na na-dismiss siya serbisyo at ito aniya ay nasabi niya sa kaniyang job interview sa PDEA.

“Kung makikita lang ang opisyal na isinubmit ko sa PDEA, makikita ang aking mga entry. Hindi ako nagsinungaling. Nakasaad po doon, during ‘yong recruitment mismo, tinanong po ako na na-drop ka pala. Tinanong po ako nung recuritment commitee, kaya nga po, sinabi ko nga po nag-comply ako, tinanong nga po ako bakit ka na-drop. Tinanong po nila bakit ‘yong service mo putol kasi lumabas po sa service record,” paliwanag ni Morales.

Pero para kay Estrada, nagsisinungaling ang dating PDEA agent lalo pa’t sulat kamay at lagda ni Morales ang nasa PDS.

Nagbigay daan ito sa senador para i-cite for contempt at ma-detain si Morales sa Senado.

“If you can provide correct explanation kung bakit ka nagsabi diyan ng “no” then maybe this committee will agree with you,” ayon kay Sen. Ronald dela Rosa.

 “Yang paglalagay ng “no” na ‘yan, hindi ko yan nilagay,” giit ni Morales.

“I move that he will be cite in contempt. Bring him down,” saad ni Sen. Estrada.

Bago ito, unang cinite in contempt ng panel si alyas Pikoy.

Napikon dito si Dela Rosa dahil sa pagsisinungaling at tila pagmamagaling sa mga senador.

Si Pikoy, ang kinausap di umano ni James Kumar para hindi na sumipot si Morales sa Senate hearing.

Samantala, nagawa namang maka-attend sa hearing ni dating Executive Secretary Paquito Ochoa matapos itong i-subpoena ng komite.

Sa hearing, itinanggi nito na ipinatigil niya ang operasyon ng PDEA laban kina PBBM at aktres na si Maricel Soriano.

James Kumar, hindi nakadalo sa Senate hearing dahil na-stroke, hirit nitong makapagsalita sa hearing via zoom hindi pinagbigyan ng komite

Samantala, hindi naman nagawang dumalo sa pagdinig ni James Kumar dahil nasa hospital daw ito matapos ma-stroke.

Ayon kay Morales, si Pikoy at Kumar ang kumausap sa kaniya para huwag siputin ang hearing kapalit ng posisyon sa gobyerno.

Sa kalagitnaan ng hearing, sinubukan ni Kumar na sumingit sa hearing via zoom, pero hindi ito pinayagan ni Sen. Bato.

Hihintayin ng komite na umayos ang kalagayan ni Kumar saka muling magkakaroon ng susunod na pagdinig para sa PDEA leaks.

First Lady Liza Marcos, gusto ring maimbitahan sa pagdinig ng PDEA leaks

Apela ni Morales na maimbitahan din sa susunod na pagdinig si First Lady Liza Marcos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble