PINAWI ng Pinay volleyball player na si Alyssa Valdez ang pag-aalala ng kaniyang supporters at fans matapos nakita itong mukhang may iniindang sakit sa naging laban ng Creamline Cool Smashers at Kurashiki Ablaze nitong Hulyo 31.
Aniya, normal lang na masaktan o makaranas ng sakit ang isang atleta lalo pa’t kaka-recover niya pa lang mula sa injury.
Bahagi aniya ng healing stage ang kaniyang naranasang sakit.
Samantala, sa kabila ng pag-kampeon ng Kurashiki Ablaze sa 2023 PVL Invitational conference ay nasungkit pa rin ni Valdez ang kaniyang ikalawang Best Outside Spiker Trophy pagkatapos ng laro.