Amazonas, kauna-unahang estado sa Brazilia na muling nagbukas ng mga pampublikong paaralan

Amazonas, kauna-unahang estado sa Brazilia na muling nagbukas ng mga pampublikong paaralan

NAGING kauna-unahang federative unit ng Brazilia ang Amazonas sa muling pagbubukas ng mga pampublikong paaralan matapos ang limang buwang pagsara.

Ito’y sa kabila ng umaapaw na ang health at funeral services ng lugar dahil sa coronavirus cases at mga nasawi dulot nito.

Dahil tila nasa kontrol na ang kaso ng COVID-19, halos 110, 000 na mga high-school students ang bumalik sa kanilang klase nitong Lunes sa mga pampublikong paaralan sa Manaus, capital city ng Amazonas.

Ngunit wala pang takdang araw ang inanunsyong pagbabalik muli sa in-person instruction sa mga pampublikong paaralan sa ibang bahagi ng nasabing estado kungsaan patuloy na isasagawa ang exclusive online classes.

Samantala, naitala naman sa Amazonas ang 106, 950 bilang kumpirmadong coronavirus cases at 3, 359 ang naitalang nasawi nitong Linggo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.