TUMAAS ang padalang pera ng mga overseas Filipino worker (OFWs) nitong Setyembre batay sa tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ang mga ito ay mula sa nga kababayang sea at land based workers abroad.
Sa unang 3 kwarter ng 2022, tumaas sa 3.1% ang OFW cash remittances sa 23.83 USD.
Malayo ito sa cash remittances sa kaparehong panahon noong 2021.
Nagmula ang bulto ng cash remittances sa padala ng ating mga kababayan sa US, Saudi Arabia, Singapore at Qatar.
Ayon kay Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino ng OFW Party-list, patunay lamang ng mga datos na iyon ang malaking ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa.
“Ang ating cash remittances dahil ang dollar napakalaki na di ba? Pang 59,58 nagfa-flactuate lang siya sa ganyan. Ang ibig sabihin nito mas maganda ang spending power ng ating mga OFW. Marami silang nabibili para sa mga mahal nila sa buhay, napupuno ang mga balikbayan boxes nila at nang sa ganun maraming maliligaya dahil September na, ber months na. Pamaskong handog sa kanilang mga pamilya,” ani Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino, OFW Party-list.
Batay sa datos ng mga eksperto, nasa 73% ang ambag ng OFW remittances sa GDP growth ng bansa.
Sa 3rd quarter ng 2023, pumalo sa 7.6% ang GDP growth ng Pilipinas.
At asahan na tataas pa ito sa paparating na Kapaskuhan.
Dahil sa malaking ambag ng OFW sector sa ekonomiya, ipinanawagan ni Rep. Magsino na sana’y tumbasan ng pamahalaan ang kanilang sakripisyo.
Isang paraan dito ay ang pagsusulong ng mga panukalang batas para sa sektor.
Una riyan ay ang pagbibigay proteksyon laban sa abusong paniningil ng mga placement fee.
“Ang gusto kasi natin dito ay ma-prohibit ang yung pagko-kolekta ng sobra-sobra na mga placement fees. Dapat magkaroon tayo ng set standard at syempre gusto din naman natin na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kababayan natin kaya nag-aabroad for a greener pasture para sa pamilya. Pero nagiging vulnerable sila sa mga agencies na nagte-take advantage sa kanila. Kaya ang bill na ito will prohibit sa collection of placement fees in advance para sa mga offered jobs na available,” aniya pa.
Nakapaloob ang panukalang ito sa House Bill 00361 ni Rep. Magsino.
Magsusulong din daw ito ng panukala para sa financial literacy ng mga OFW at iba pang mga pangunahing programa sa sektor.
Kasama diyan ang exemption ng mga OFW sa pagbabayad ng direct contribution sa PhilHealth.
May payo naman si Magsino sa pamilya ng mga OFW na nandito sa Pilipinas lalo na sa paggastos ngayong Kapaskuhan.
“Sana po pag-ipinunin natin to, huwag nating ubusin lahat. Mag-save po tayo sa panahon na baka walang dumating ay mayroon po kayong gagastusin upang nang sa ganun ang mga mahal ninyo sa buhay sa abroad ay hindi nag-aalala na wala kayong pang-gastos, walang pang edukasyon, walang pang medical,” pagtatapos ni Magsino.