Ambassador ng Myanmar sa UN, aapela ng tulong matapos tanggalin sa pwesto

Ipinahayag ng Ambassador ng Myanmar sa United Nations na aapela ito ng tulong matapos tanggalin sa pwesto.

Ipinahayag ng envoy ng Myamar sa United Nation na lalaban ito matapos tanggalin ng junta sa posisyon.

Inanunsyo ng Myanmar state television noong Sabado ang pagkakatanggal ni Kyaw Moe Tun dahil sa pagtataksil sa bansa.

Ito ay matapos ipahayag ni Moe Tun na nagsasalita siya para sa gobyerno ni Suu Kyi at humihingi siya ng tulong para tanggalin sa pwesto ang mga militar na iligal na inagaw ang kapangyarihan ng bansa.

Ayon kay Moe Tun, hihimukin nito ang lahat ng bansa upang baliktarin ang February 1 coup na naging dahilan sa pagkakatanggal ni Aung San Suu Kyi sa pwesto.

Samantala, hindi opisyal na kinikilala ng United Nations ang junta bilang bagong gobyerno ng Myanmar dahil wala pang opisyal na notipikasyon ng pagbabago na ito.

Dahil dito, sa kasalukuyan ay nananatili pa rin si Kyaw Moe Tun bilang Myanmar UN Ambassador.

Nagbabala naman ang special envoy on Myanmar na si Christine Schraner Burgener na walang bansa na kasapi ng United Nation ang kikilala sa gobyernong junta ng Myanmar.

SMNI NEWS