Ambassador of The Kingdom of Thailand, bumisita sa Manila City Hall

Ambassador of The Kingdom of Thailand, bumisita sa Manila City Hall

BUMISITA si Ambassador of The Kingdom of Thailand His Excellency Tull Traisorat kahapon Martes, Setyembre 5 sa Manila City Hall.

Pinangunahan mismo ni Manila Mayor Maria Sheilah Lacuna-Pangan ang pagsalubong kay Traisorat.

Tinalakay ng mga pinuno ang kahusayan ng Thailand sa Department of Tourism (DOT) at Department of Health (DOH) at kung paano ito makatutulong sa pagpapabuti sa Maynila.

Mula sa pagkain, pasyalan, at cultural heritage site, H.E. sina Traisorat at Mayor Pangan ay nagpalitan ng mga ideya at pinakamahusay na kasanayan na maaaring makatulong sa lungsod.

Ang mga pagpapabuti sa DOH, simula sa panig ng edukasyon ay hinarap din ng alkalde at ng ambassador.

Follow SMNI NEWS on Twitter