NAIULAT na posibleng ang American boxer na si Ryan Garcia ang sunod na makakalaban ni Manny Pacquiao.
Ang Golden Boy Promotions na siyang promoter ni Garcia at Boxing Legend Oscar de La Hoya ang nagbukas ng ideyang boxing match sa pagitan ng Filipino champ.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na ikinokonsidera ang Pacquiao-Garcia showdown.
Sa katunayan, dalawang taon na ang nakalipas nang ninanais ito.