American Disney Junior series na “Firebuds”, bida ang ilang Filipino voice over talents

American Disney Junior series na “Firebuds”, bida ang ilang Filipino voice over talents

BIDA sa Disney Junior Series na “Firebuds” ang ilang Filipino voice over talents.

Sa palabas, ang boses ni Chief Bill Bayani ay kay Lou Diamond Philips habang si Lolo Ben na isang retired fireman ay boses ni JB Tadena.

Si Vivian Vencer naman ay boses para sa karakter ni Violet.

Ayon kay Vivian, bagamat marami nang Asian-American voice over talents sa mga palabas, ang “Firebuds” pa lang ang kauna-unahang palabas sa Estados Unidos na alam niyang kinuha bilang voice talent ang isang Pilipino.

Dahil dito, proud siya na sa wakas ay maibida niya rin ang kanyang talento bilang Pilipino.

Ipinaliwanag naman ng creator at executive producer ng “Firebuds” na si Craig Berber ang rason kung bakit itinampok niya ang mga Pilipino sa naturang palabas.

Aniya, lumaki siya sa Los Angeles kung saan maraming mga Pilipino ang kanyang nakasalamuha at dito niya nakikita ang mayamang kultura ng Pilipinas na hindi man lang nabigyan ng exposure sa media.

 

Follow SMNI News on Twitter