American experts, dumating na sa Mindoro upang tumulong sa oil spill

American experts, dumating na sa Mindoro upang tumulong sa oil spill

DUMATING na sa Pola Town sa Oriental Mindoro ang walong eksperto mula sa Estados Unidos upang tumulong sa pagresponde sa oil spill operation ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, pag-aaralan ng limang miyembro ng National Strike Force ng US Coast Guard ang mga apektadong lugar upang malaman ang pinaka epektibong paraan at gamit upang mapigilan at malinis ang oil spill mula sa lumubog na tanker ng MT Princess Empress.

Dagdag ng PCG, sa pamamagitan ng pondo mula sa US Agency for International Development (USAID), dalawang miyembro ng US National Oceanic Atmospheric Administration (NOAA) ang makikipagtulungan sa Department of Environment and National Resources upang magsagawa ng mabilisang environmental assessment.

Bukod dito, isang US navy supervisor ng salvage and diving ang tutukoy sa technical parameters na kailangan upang masuportahan ang posibleng deployment ng isang remotely operated vehicle.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter