American rock band na Eagles, nagbigay ng tulong para sa biktima ng LA wildfires

American rock band na Eagles, nagbigay ng tulong para sa biktima ng LA wildfires

NAGBIGAY donasyon ang American rock band na Eagles ng 2.5 million dollars sa non-profit organization na FireAid para itulong sa mga biktima ng Los Angeles wildfires.

Kapareho ito sa 2.5 million dollars na ibinigay ni Beyonce sa pamamagitan ng kaniyang foundation.

Maliban pa sa kanila, nagbigay rin ng 500K dollars ang American heavy metal band na Metallica.

Hinggil naman sa magiging charity event ng fireaid, magiging performers dito sina Billie Eilish, Lady Gaga, Rod Stewart, Katy Perry, Joni Mitchell, Red Hot Chili Peppers. Sting, Stevie Nicks, Gracie Abrams, at Green Day.

Gaganapin ito sa January 30 sa Intuit Dome at Kia Forum.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble