Amerika, posibleng maging sunod na epicenter ng COVID-19 ayon sa WHO

POSIBLENG maging sunod na epicenter ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic ang Amerika.

Ito ang pinangangambahan ng World Health Organization (WHO) dahil sa patuloy at mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Ayon kay WHO Spokesperson Margarte Harris, mabilis ang accelaration ng bilang mga nadapuan ng virus sa USA kaya malaki ang potensyal na maging epicenter din ito.

Magugunitang noong nakaraang linggo nang maapatuhan ng pandemic ang lahat ng estado sa Amerika.

Sa pinakahuling datos, umabot na sa mahigit 52,000 katao ang nadapuan ng COVID-19 sa nasabing bansa kung saan mahigit 600 na rito ang nasawi.

Sa kasalukuyan, nananatili na bagong epicenter ng Coronavirus ang Europa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.