Amo ng minaltratong kasambahay na si Elvie Vergara, kulong sa Senado

Amo ng minaltratong kasambahay na si Elvie Vergara, kulong sa Senado

UMINIT ang ulo ng mga senador sa paiba-ibang pahayag ng amo ni Elvie Vergara, ang kasambahay na bahagyang nabulag dahil sa pang-aabuso.

Sa kulungan sa Senado ang bagsak ni France Garcia Ruiz, ang dating amo ng minaltratong kasambahay na si Elvie Vergara matapos na hilingin sa pagdinig ang pag-contempt kay Ruiz.

“The sergeant at arms is hereby directed to place under detention within the Senate premises, the said person Mrs. France Garcia Ruiz…,” pahayag ni Sen. Francis Tolentino, Chair, Committee on Justice and Human Rights.

Sa ikatlong pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Senator Francis Tolentino, ay lumutang na Si France Ruiz, ang mastermind sa kalunos-lunos na sinapit ni Aling Elvie.

Si Aling Elvie ay pinaniniwalaang bahagyang nabulag dahil sa matinding dinanas na pang-aabuso ng kaniyang mga amo mula sa taong 2020.

Sa unang pagkakataon ay lumutang din sa pagdinig sa Senado si Jay-Ar Jimenez alias “Dodong” na una nang nakaligtas mula sa pamamaril sa kanilang probinsiya.

Si Jay-Ar na isang ring dating empleyado ni France Ruiz ay witness sa pananakit kay Aling Elvie.

Sinuntok, sipa, tadyak, untog sa CR, subsob sa loob ng CR, sa doro.

Depensa naman ni France Ruiz na sa pangalawang araw palang nang mamasukan sa kanilang tindahan ay pinapauwi na niya si Aling Elvie dahil sa napansin niya na may problema umano ito sa pag-iisip.

Ayon kay France, nilalagyan ng kung anu-anong klaseng dumi ang kanilang inumin.

Pero ‘di ito magawang paniwalaan ng mga senador dahil umabot pa sa 2023 sa serbisyo si Aling Elvie at nagawa pa itong pagkatiwalaan sa kanilang bahay.

“Hindi ba pumasok sa isip mo na pwde nyang gawin sa anak mo ‘yun,… ‘yun lang ‘yun eh,” saad ni Sen. Raffy Tulfo.

“Alam mo na sira ulo ang katulong mo tapos binigyan mo ng buong pagtitiwala… so halata na nagsisinungaling ka,” ani Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Bukod kay Jay-ar Jimenez alyas “Dodong” ay may dalawang dating kasambahay pa ang lumutang sa pagdinig. Ayon kay John Patrick Simbaon at isa pang alyas JM ay walang problema sa pag-iisip si Aling Elvie.

Matapos na ma-contempt ay inilahad ni Sen. Tolentino na sasalang sa isang lie detector test si France Ruiz at ang tatlong witnesses sa pananakit kay Aling Elvie upang matimbang kung sino talaga ang nagsasabi ng katotohanan.

“A polygraph is scientifically accepted. It is voluntarily given…. as to who is telling the truth,” dagdag ni Sen. Tolentino.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter