NILINAW ng anak ni Dennis Padilla na si Leon Barretto ang hindi nito pag bati ng Father’s Day sa kanila ng ama.
Sa isang open letter na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account para sa kanyang amang si Dennis Padilla.
Aniya, ito ay palaging isang awkward na araw para sa kanila dahil tila hindi nila alam kung saan sila lulugar sa bawat taon.
Palagi aniya siyang naiinggit sa mga taong hindi na kailangang mag-isip nang dalawang beses tungkol sa pagbati sa kanila ng mga amang ‘Happy Father’s Day’.
Pakiusap naman nito na sa kanyang ama na ‘wag nang idaan o pag-usapan pa ang mga pribadong issue sa kanilang buhay sa mga press con at social media.
At bilang siya aniya ang lalaki sa kanilang magkakapatid, nais niyang ayusin ang kinakaharap nilang suliranin sa pagitan nila at sa kanilang ama na si Dennis Padilla.
Sa huli, humingi rin itong paumanhin sa hindi niya pagbati ng Father’s Day.