Anak ng bantog na drug lord na si El Chapo, naaresto sa Mexico

Anak ng bantog na drug lord na si El Chapo, naaresto sa Mexico

NAARESTO na muli ng mga otoridad sa Northern Mexico si Ovidio Guzman, ang anak ng bantog na drug lord na si El Chapo.

Nitong Huwebes, January 5, 2023 nang ito ay nangyari.

Una nang naaresto si Guzman taong 2019 subalit pinakawalan ito ilang oras pagkatapos maaresto dahil sa takot ng Mexican government noon na ang incarceration ni Ovidio ay magiging daan para sa mas maraming karahasan.

Pinaniniwalaang si Ovidio, 32 years-old ay katuwang na ng kanyang ama na si El Chapo sa kalakaran ng iligal na droga nang ito ay teenager pa lang.

Posibleng ito na rin ang nangangasiwa ng kalakaran nang maaresto ang ama nito taong 2016.

Follow SMNI NEWS in Twitter