NAIS makuha ng anak ng exiled former prime minister ng Thailand ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa susunod na eleksyon.
Idineklara ng anak na babae ng self-exiled former prime minister ng Thailand Thanksin Shinawatra ang kanyang kahandaan na tumakbo bilang punong ministro sa eleksyon ngayong taon.
Inihayag ni Paetongtarn Shinawatra na tatakbo ito sa ilalim ng Pheu Thai Party, ang partido na itinatag ng kanyang bilyonaryong pamilya dalawang dekada na ang nakakaraan.
Ayon kay Paetongtarn, nais niyang manalo ang kanyang partido ng landslide victory upang maisakatuparan ang mga pangako nito sa taumbayan.
Matatandaan na ang Pheu Thai Party ay sikat sa rural at urban working classes at nanalo ng maraming pwesto noong 2019 pero bigong makabuo ng gobyerno.
Matatandaan na ang ama nitong si Thaksin at ang kanyang kamag-anak na si Yingluck Shinawatra ay parehong napatalsik ng militar sa pwesto noon.
Sa ngayon si Thaksin at Yingluck na kamag-anak ni Paetongtarn ay naninirahan sa ibang bansa upang maiwasan ang pagkakakulong na ipinataw ng militar sa mga ito.