ISA na namang anak ng celebrity ang nagtapos sa kanilang pag-aaral with flying colors.
Sa isang social media post, ibinahagi ni comedian-host Bayani Agbayani na nagtapos ang kaniyang anak na babae bilang summa cum laude sa kursong tourism.
Labis namang ipinagmamalaki ni Bayani ang achievement na ito.
Kamakailan lang ay naging proud din ang komedyanteng si Jayson Gainza sa pagtatapos ng kaniyang anak bilang cum laude sa kursong psychology.