Anak ni Freddie Aguilar, umaasang magkaayos na sila ng kanyang ama

Anak ni Freddie Aguilar, umaasang magkaayos na sila ng kanyang ama

UMAASA ang anak ni Freddie Aguilar na si Maegan na magkaayos na sila ng kanyang ama.

Kamakailan lang nang ipinanawagan ito ni Meagan sa isang programa kasabay ang pag-anunsyo na nais niya na ring gumaling mula sa sakit na hyperthyroidism.

Sa kwento ni Maegan, nagsimulang magkalayo ang loob nilang mag-ama ng umalis siya sa kanilang bahay, 16 na taong gulang pa lang ito.

Nagkaroon man ng panahon na bumalik siya sa kanilang bahay noon subalit dahil lang din ito sa request ng kaniyang ama na si Freddie. Freddie Aguilar

Sa kabila ng pagkakalayo ng loob ng dalawa, noong November 2022 ay si Freddie naman ang nagbayad ng hospital bills ni Maegan matapos muntikan itong mamatay dahil sa cardiac arrest.

Follow SMNI NEWS in Twitter