Anak ni SOJ Remulla, kabilang sa mga susubok na pumalit sa kanyang binakanteng posisyon sa Cavite 7th District

Anak ni SOJ Remulla, kabilang sa mga susubok na pumalit sa kanyang binakanteng posisyon sa Cavite 7th District

NAGSIMULA na ang Commission on Elections (COMELEC) kasama ang Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsasagawa ng security command conference para sa nalalapit na halalan sa 7th District ng Cavite.

4 na kandidato ang tumatakbo para sa special elections sa 7th District ng Cavite na gaganapin sa February 25.

Ang special elections ay gagawin matapos bakantehin ni Justice Sec. Remulla ang congressional post kasunod ng pagkakatalaga nito sa Department of Justice (DOJ).

Isa sa mga kandidato, mismong anak ni Remulla na si Crispin Diego Remulla, 32 years old at kasalukuyang board member ng 7th District ng Cavite.

Ito ay tumatakbo sa ilalim ng National Unity Party.

Ang 3 iba pang kandidato, tumatakbong independent.

Ang isa rito ay si Melencio Loyola de Sagun na dating mayor ng Trece Martires.

Sa command conference na isinagawa ng COMELEC kasama ang security force, sinabi ng Calabarzon Police Regional Office, generally peaceful ang probinsya ng Cavite at walang banta na magkakaroon ng gulo sa araw ng halalan.

Ang Trece Martires, Amadeo, Indang at Tanza ang nasa hurisdiksyon ng 7th District of Cavite.

January 26, sisimulan ang mga check point sa mga naturang lugar.

Ang gun ban ay iiral din sa January 26.

Mayroong 347, 207 voters ang 7th District, at magkakaroon ito ng 75 voting centers, 499 clustered precinct at 2, 064 established polling precinct.

Nakalatag na rin ang seguridad para sa paghahatid ng mga VCMs at iba pang election paraphernalia.

Kontento naman ang COMELEC sa inilatag na security measures ng PNP, AFP, at Philippine Coast Guard.

Follow SMNI NEWS in Twitter