Anakalusugan Rep. Mike Defensor, nagpositibo sa COVID-19

KINUMPIRMA ni Anakalusugan Mike Defensor na nagpositibo ito sa COVID-19.

Ayon kay Defensor, nakuha niya ang impeksyon dalawang linggo na ang nakalilipas.

Nakatakda namang magpa-COVID-19 test si Defensor bukas, Marso 17 bilang kanyang pinakahuling pagpapasuri.

Kasalukuyan namang naka-isolate ngayon si Defensor.

Asymptomatic ang mambabatas sa buong panahon ng kanyang pag-isolate at aniya ay isang araw lang siyang nakaranas ng flu.

Kahapon ay inanunsyo rin ni Negros Oriental Representative Jocelyn Sy Limkaichong na nagpositibo ito sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.