NAGSIMULA na magsagawa ng anal swab test ang bansang China sa mga itinuturing nitong high risk na magkaroon ng COVID-19.
Ayon kay Li Tongzeng, isang senior doctor mula sa You’an Hospital sa Beijing, mas tumataas ang detection rate kung isasagawa ang test sa pamamagitan ng anal swab test.
Ayon sa broadcaster CCTV, sumailalim na ang mga residente sa anal swab test sa Beijing nitong nakaraang linggo.
Samantala, nagpatupad naman ng mas mahigpit na requirements ang bansa kung saan ang mga pasaherong dumadating sa bansa ay kailangang sumailalim sa 14-day quarantine.
Dagdag dito, kailangan din ang dagdag home observation bukod pa sa requirement nito na maglabas ng multiple negative results.