Andrew Schimmer, nakatanggap ng parangal mula sa 6th Asia-Pacific Luminare Award

Andrew Schimmer, nakatanggap ng parangal mula sa 6th Asia-Pacific Luminare Award

PERSONAL nang natanggap ni Andrew ang karangalan bilang Asia’s Most Inspiring Actor and Model of the Year mula sa 6th Asia-Pacific Luminare Award na ginanap noong Nobyembre 23 sa Okada, Manila

Halos hindi naman makapaniwala si Andrew sa natanggap na karangalan kahit pa marami ang nagsasabing deserve niya sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan ng kanilang pamilya.

Matapos ang event, agad namang nagtungo si Andrew sa kanyang misis na nakaratay pa sa ospital upang ipakita at ialay ang naturang award.

Samantala, kamakailan lang ay ibinahagi ni Andrew ang umano’y mga good news sa kanyang misis dahil patuloy pa rin itong lumalaban sa gitna ng isang taon na nitong karamdaman.

 

Follow SMNI News on Twitter