SINABI ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang gobyerno sa kasalukuyan ay walang mga proyekto, walang makikitang proyekto.
“Ang gobyerno na ito, walang project. Wala kang nakikitang project diyan. Maintenance na lang. Kasi ayuda na lang, naubos doon. Naubos ni Romualdez. Congressman lang pero left and right ang pamigay niya.”
“Ang Maharlika Fund, ang target nila 250 billion. Kinunan nila ang GSIS ng P62.5 billion. lyan, pera rin ng mga taga-gobyerno iyan-empleyado. Sa mga trabahante iyan. Ito kinuha, binigay para ayuda.”
“Ang SSS, kinuha rin ang P62 billion. Private din iyan para sa mga empleyado. LBP P62 billion. DBP P62 billion. Kaya iyang sa sundalo, pati iyang retirement nila, patay iyan,” pahayag ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.