AYON kay Pastor Apollo C. Quiboloy, ang pinakamahalaga niyang tagumpay ay ang maipakita ang tamang daan tungo sa pagbuo ng isang matatag na bansa.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggawa ng tama para sa Pilipinas at ang pagtataguyod ng mas maayos na buhay para sa bawat Pilipino.
“Ang pinakamahalaga kong tagumpay ay ang ipakita ang daan tungo sa pagbuo ng isang matatag na bansa.”
“Kaya’t gawin natin kung ano ang tama at kung ano ang makabubuti para sa Pilipinas. Ang ating tungkulin ay lumikha ng mas magandang buhay para sa lahat ng Pilipino, sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga oportunidad at sa pagtataguyod ng isang makatarungan at patas na lipunan. Ang tungkulin nating ito ay walang katapusan,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Senatorial Aspirant.