Angelica Panganiban, ibinahagi na “improving” na mula sa kaniyang sakit sa buto

Angelica Panganiban, ibinahagi na “improving” na mula sa kaniyang sakit sa buto

IBINAHAGI ng aktres na si Angelica Panganiban na “improving” na ito mula sa kaniyang sakit na Avascular Necrosis, isang sakit kung saan namatay ang bone tissue nito dahil sa kakulangan ng suplay ng dugo.

Kasunod ito sa kanilang sinubukang procedure na imbis isailalim siya sa surgery, nilalagyan muna ng stem cell ang kaniyang namatay na bone tissue sa hip area.

Sa ngayon bagama’t may kaunti pang sakit na nararamdaman, mas magaan na aniya ito kumpara noong umpisa sa kaniyang kondisyon.

Buwan ng Nobyembre ng inamin ng aktres ang kaniyang kalagayan.

Nagsimula ang pananakit ayon kay Angelica ng binubuntis pa lang niya ang kaniyang anak na si Amila Sabine.

Itinuturong dahilan ng Avascular Necrosis ay steroids abuse, subalit binigyang-diin ni Angelica na hindi kailanman naging bahagi ng kaniyang lifestyle ang steroid.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble