INAMIN ng aktres na si Angelica Panganiban na may bone disease itong nararanasan sa kasalukuyan.
Ang sakit na kung tawagin ay avascular necrosis ay nagiging sanhi ng lubos na pananakit ng kaniyang hip area.
Nagreresulta ito ng temporaryo o permanent loss ng blood supply sa buto dahil sa injury o trauma.
Nagsimula ang pananakit ayon kay Angelica nang binubuntis pa lang niya ang kaniyang anak na si Amila Sabine.
Itinuturong dahilan ng avascular necrosis ay steroids abuse subalit binigyang-diin ni Angelica na hindi kailanman naging bahagi ng kaniyang lifestyle ang steroids.
Sa ngayon ay may ini-inject sa buto sa hip area ni Angelica na platelet-rich plasma para maiwasan ang patuloy na necrosis progression.