Angelica Panganiban, nagpositibo sa COVID-19

Angelica Panganiban, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO ang aktres na si Angelica Panganiban sa COVID-19.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram ang screenshot ng kanyang video call kasama ang fiancé nitong si Gregg Himan at kanilang baby daughter.

Caption ni Angelica sa kanyang post, “Nauubusan na ako ng positive thoughts, pls send help’ at ibinahagi rin nito ang pangungulila sa kanyang pamilya.

Matatandaan na ipinanganak ni Panganiban si Amila Sabine noong nakaraang Setyembre.

Inulan naman ng suporta si Angelica sa kanyang post mula sa kanyang mga supporters at kaibigan sa showbiz kagaya nila Anne Curtis, Maxene Magalona, John Prats, Isabelle Daza at marami pang iba.

 

Follow SMNI News on Twitter