RECORD-breaking sa World at Asian records ang tagumpay na nasungkit ni Angeline Colonia sa kaniyang weight class.
Ito ay matapos makapag-uwi si Angeline Colonia sa Pilipinas ng 2 gold at 1 silver mula sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championship sa Tashkent, Uzbekistan.
Nakapagbuhat si Colonia ng 62 kilos na ikinagulat ng World at Asian Youth Standard na 61 kgs. sa 40kgs. category habang ang combined winning lift na 134 kgs. ang nag-reset ng Continental Youth Standard na 134kgs. sa kabuuan.
Si Colonia ay kapatid ng Rio de Janeiro Olympian na si Nestor Colonia na nakakuha ng silver sa clean and jerk.
Ayon kay weightlifting Chief Monico Puentevella, isa na si Colonia sa mga ililista para sa potential na mga atleta na posibleng makakuha ng gold sa Olympics.