Angkas, nag-develop na rin ng food delivery service

BUMUO na rin ng food delivery service ang motor taxi app na Angkas upang makatulong sa mga riders nito na magkaroon ng pagkakakitaan habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Base sa pahayag ng Angkas sa official social media pages nito, hindi sila kukuha ng kahit anong komisyon at mapupunta ang lahat ng delivery fee sa kanilang riders.

Introducing ANGKAS FOOD!Sinimulan namin ang service na 'to para makatulong sa Angkas bikers at para sa atin na…

Posted by Angkas on Monday, 23 March 2020

Sa bagong serbisyo nitong Angkas Food, maniningil ito ng Php60 na delivery fee sa unang 3 kilometro at dagdag na Php10 kung lalagpas ng 5 kilometro ang layo ng restaurant.

Mahigpit rin na ipatutupad ng mga riders ang “no-touch interaction” alinsunod sa ipinatutupad na social distancing.

Maaaring ang mga costumer ang kumuha ng kanilang order sa motorcycle seat o di kaya ay ilalapag ng rider sa harapan ng pintuan o sa maaaring paglapagan ang pinadeliver na order ng custumer.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.