Animated Film na “Coco” magkakaroon na ng sequel

Animated Film na “Coco” magkakaroon na ng sequel

MALAPIT ng magbalik sa big screen ang 2017 animated film na “Coco” at sa pangalawang pagkakataon mapupuno ito ng humor, heart, at adventure.

Ito ang exciting na balitang ibinahagi ng CEO ng Disney na si Bob Iger sa taunang pagpupulong ng shareholders ng The Walt Disney Company.

Naipost din ang anunsiyo sa opisyal na pahina ng Pixar, kung saan inanunsiyo na ang sequel nito ay “officially in the works,” na agad namang ikinatuwa ng mga tagahanga.

Ang Coco ay kwento ng isang batang lalaki na si Miguel, na may matinding pagmamahal sa musika. Gayunpaman, dahil sa isang hindi malilimutang insidente sa nakaraan, mahigpit na ipinagbabawal ito ng kanyang pamilya.

Nagustuhan ng mga manonood ang kwento nito, kaya nakamit ng pelikula ang dalawang Academy Awards, isang Golden Globe Award, at isang British Academy Film Award. Kinilala rin ito ng National Board of Review bilang Best Animated Film of 2017.

Muling magsasama-sama ang director na si Lee Unkrich, co-director na si Adrian Molina, at producer na si Mark Nielsen para sa sequel ng Coco.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble